Danny

Disyembre 14, 2011 § 4 mga puna

Dear God,

Isa po akong pari pero hindi ko po maiwasan na magkaroon ng mga dirty thoughts sa isa kong sakristan. Matagal ko na po itong kini-kimkim. Ano po ang dapat kong gawin?

Your Servant,
Father Danny

*****

Danny my Child,

Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na ako ay sobrang disappointed. Pari ka pa naman. narinig mo ang boses ko nung ikaw ay binata pa (well, binata ka pa rin naman) kaya ka pumasok ng seminaryo at nangako na maglilingkod sa akin habang buhay. Hindi ko ma-gets kung bakitĀ  sa dinami-rami ng babae sa mundo ay sa isang paslit na lalake ka pa nagpapantasya na makipagtalik.

Madami naman diyang mga hot na madre na pwede mong pagpantasyahan. Si Sister Bianca. Hot yun. Hindi mo lang makita dahil laging naka-full madre attire pero kung titingnan mo sya ng maigi, malaki ang potensyal. Kung si Sister Bianca ang laman ng pantasya mo, well, kahit paano, maiintindihan ko. Lalake ka. Tigang. Babae sya. Malaki ang potensyal. Pag ginawa natin yan in terms of equation, we get:

Lalakeng tigang + Babeng Malaki ang Potensyal = Libido/Horniness

Sa kaso mo, ito ang equation:

Lalakeng tigang + Inosenteng Lalakeng Paslit = Libido/Horniness

Kahit gamitan mo pa yan ng associative property or commutative or kahit distributive property ng addition, wala pa ring sense, Danny. Ang sick mo kid.

Hindi ako against sa horniness o libog (Ako si God. Pwede kong sabihin lahat ng gusto ko.). Kung walang libog ang tao, hindi dadami ang mga tao sa lupa. Kayong mga pinakamamahal kong mga tao. Dapat lamang tandaan na ilagay sa lugar ang libog para walang kumplikasyon.

Bilang si God, inuutusan kitang wag ituloy ang iyong maitim na balak sa iyong sakristan dahil si God ako at iyon ang utos ko. Masyado nang madaming iskandalo ang simbahan na related sa child molestation. Wag ka nang dumagdag sa sakit ng ulo ko. Please lang. Ok?

Your Alpha and Omega,

God

Advertisements

Where Am I?

You are currently browsing entries tagged with danny at Itanong Mo Kay God.

%d bloggers like this: