Ashleii

Disyembre 26, 2011 § Mag-iwan ng puna

Dear God,

Bakla po ako. Mahal nyo pa ba ako?

Ashleii

*****

Dear Ramon,

Ako si God. Alam ko lahat. Walang saysay ang paggamit mo ng pangalan mo sa gabi sa pagliham mo sa akin. Hindi ko alam kung ano yung point mo at ginamit mo pa din yung Ashleii mong alyas kahit alam mo naman na ako ang kausap mo.

Alam mo naman siguro na ayon sa bible – a.k.a. The Word, ang mga bakla, tomboy, bisexual at transgender ay mga abomination. Dapat silang mamatay. Lahat. Unfortunately, kasama ka sa groupong iyon so, i’m afraid to say na hindi kita mahal and kailangan mong mamatay. Sorry, rules are rules. And among all rules, God rules.

Ang ginawa ko lang ay babae at lalake. Walang puwang sa mundo ang mga kagaya mo. So pasensyahan na lang tayo. Unless magpaka-straight ka, or ma-revise or ma-amyendahan bigla ang holy bible, baka magbago ang isip ko.

Charot.

21st century na ngayon sa panahon ninyo and obviously, hindi na angkop na sundin ang standards na nilatag ko 2000 years ago. I must admit na medyo harsh at may pagka-barbaric ang napili kong punishment para sa mga bakla at tibo noong mga panahong iyon (pagpapatayin sila), pero that was 2 millenia ago.  I say, let’s just move on and forget about the whole thing. To err is divine and to forgive is human. Ika nyo nga diyan sa earth: past is past.

Sa panahon ninyo ngayon, ang mga myembro ng LGBT community tulad mo ay nabibilang pa rin sa mga discriminated at stigmatized na myembro ng pamayanan. Although may mga tao na nagsusulong na maprotektahan ang karapatan nyo kontra sa diskriminasyon, for some reason, may mga taong ayaw kayong maging ka-level ng mga straight na myembro ng komunidad.

Nakakalungkot isipin (oo, may kapasidad din akong maging emo) na ang mga taong ito ay willing na i-trato kayo as second-class citizens at constantly maging subject to discrimination. Sa totoo lang, bilang si God, asar ako sa mga taong ito dahil sa kaipokritohan nila. Gusto nilang isulong na wag maisa-batas ang pantay na karapatan ng mga myembro ng LGBT sa mga straight pero kapag may pumasok na bakla, tibo, bisexual or transgender sa mga appreciation centers ko, hindi naman nila magawang paalisin.

From the outside, mukhang welcome na welcome ang LBGT community para pumasok sa loob ng mga appreciation centers ko pero deep inside, pinandidirihan nila ang buong komunidad ng LGBT.

Yes, I know medyo accountable ako sa issue na ito dahil sa mga binitiwan kong words 2000 years ago. Apparently, yun ang basis nila kaya ayaw nilang maisa-batas ang pantay na pag-trato sa LBGT tulad ng ibang myembro ng society. Ang chaka, diba?

Nang likhain ko ang buong sansinukob, dinesenyo ko ang mga tao na pantay-pantay upang maging mas harmonious ang  pakikipag-kapwa ninyong lahat diyan sa earth. Hindi ko ninais ni katiting na magkaroon ng diskriminasyon sa pagitan ninyong lahat. Myembro ka man ng LBGT or hindi, lahat kayo ay tao lamang at ang dapat ninyong gawin ay i-respeto at mahalin ang isa’t-isa dahil ako si God at iyan ang gusto ko. Bakit? Dahil. End of discussion.

At bago ko pala makalimutan, oo Ramon – mahal pa rin kita kahit hindi ka na straight.

Pero as a God only. Hindi tayo talo.

Ito ang salita ng Diyos.

Your Alpha and Omega,
God

Where Am I?

You are currently browsing entries tagged with ashleii at Itanong Mo Kay God.

%d bloggers like this: