Dear Anak,

Hello.

Si God ito.

Kung hindi mo ako nakikilala, huli ka na sa balita.

Sikat na sikat ako. Madami na akong fans kahit noong primitibo pa kayong mga tao diyan sa lupa hanggang ngayong mga panahon na ito.

Mas malamang sa hindi, hindi mo mabibilang ang mga aklat na naisulat tungkol sa akin. Nandiyan ang tinatawag nilang Biblia, Koran, Aklat ng Mormon, at madaming madaming madaming madami pang iba. Dahil sa mga librong iyan, madami ding mga nagsulputang mga fans club na super dedicated sa akin. Yung iba nga araw-araw gumagawa ng mga seremonyas in honor of me.

Hindi ko mapigilan na maging flattered dahil sa totoo lang, hindi ako makapaniwala na ang daming nagmamahal sa akin. Yun nga lang may iba diyan na sa hindi ko malamang dahilan (at ako na si God ha…) , na-o-obsess. Mga anak ko, gaya ng ibang klaseng pagtangkilik, kapag nahaluan na ng elemento ng obsesyon, hindi na healthy. Yung ibang fans ko na sobrang obsessed talaga, hardcore. Pumapatay ng kanyang kapwa-tao. Ang pinaka-creative so far na nakita ko na example ng mga actions ng sobrang fanatics ko ay yung tinatawag nilang holocaust. Tinatamad akong magpaliwanag dito so punta ka na lang ng Wikipedia. May article sila tungkol dun.

Hindi ko alam kung saan nila nakuha yung idea na yun pero sigurado ako na hindi ako ang may pakana ng mga aktibidades nyang mga masyadong hardcore na fans ko. On behalf of them, sorry sa mga naperwisyo.

Anyway, dahil mahal ko kayong mga nilikha ko, binuo ko ang blog na ito para sagutin ang kahit anong katanungan na bumabagabag sa inyong isipan. Masyado nang nagiging hassle na pakinggan ang lahat ng mga prayers ninyo and sabay-sabay pa sila. Nakaka-windang.

Para sa inyong mga katanungan, mag send lamang ng tinatawag nilang electronic mail (e-mail for short) sa email address ko:

itsboringuphere[sa]gmail[tuldok]com

Sisikapin kong sagutin ang lahat ng inyong mga katanungan aking mga anak – dahil mahal ko kayo – bawat Lunes ng buwan. Nasa good, Godly mood ako kapag Lunes dahil kakatapos lamang ng rest day ko. Pero kapag ako’y sinisipag, baka gawin kong twice a week minsan ang pagsagot.

Your Alpha and Omega,

God

Advertisements
%d bloggers like this: