Janette

Disyembre 19, 2011 § Mag-iwan ng puna

Dear God,

Kumusta po kayo dyan?

Isa po akong debotong Katoliko na naniniwala pa din sa sanctity ng kasal. Pero dito po sa atin, tingin ko ay wala nang halaga ito.

Case in point: Rustom at Carmina, Jennylyn at Mark, Jolina at Marvin, Claudine at Rico, John Lloyd at Ruffa, Karylle at Dingdong, Angel at Miko, Angel at Oyo Boy, Angel at Lucky, Angel at Phil, Angelica at Derek.

Ngayon naman, ang mga iniidolo ko na sina Piolo at KC.

Umasa po ako na hahantungan nila ay sa kasalan at sa simbahan. They looked so perfect for each other. Si KC po ay anak ni Mega Star Miss Sharon Cuneta. Si Piolo naman po ay isang miracle baby. Dalawang taon po silang nagligawan bago sinagot ni KC si Piolo. Ang unfair. Ang unfair ng buhay. Hindi ako maka-get over sa mga pangyayari. Tiningnan ko na po ang lahat ng posibleng anggulo ng dahilan ng kanilang paghihiwalay ngunit wala akong makitang rason ni isa. Litung-lito na po ako. Gulung-gulo na po ang isip ko. Lagi po akong puyat, hindi po ako makakain ng maayos dahil sa issue na ito. Feeling ko rin po naaapektuhan na din po ang work at family ko sa mga pangyayari. I need closure.

God, what happened?

Patuloy na umaasa,

Janette

*****

Janette my Child,

Mabuti naman ako dito sa langit. Business as usual. Sinasamba pa rin ako ng mga taga-rito magpasawalang hanggan. Medyo boring dahil walang masyadong pumapasok lately. No new faces.

Bilang isang kapuso, hindi ko masyadong kino-concern ang sarili ko sa mga issues ng mga kapamilya artists. Ngunit dahil nababatid ko na puspusan ang iyong pagnanais na malaman ang katotohanan sa likod ng hiwalayang KC-Piolo, sasagutin ko ang iyong katanungan.

Pero bago yan, gusto kong maging klaro muna sa ilang detalye na nakapaloob sa iyong email sa akin.

1.) Nagkatuluyan si Carmina at Rustom. Nakasal sila pero hindi sa simbahan. Secret civil wedding. Yun nga lang, hindi maiwasang mag give-in ni Rustom sa kanyang homosexual curiosities at ito ay naging isang malaking factor para magkahiwalay sila ni Carmina for good. Ngayon, si Rustom ay kilala na bilang BB Gandanghari. Just so you know.

2.) Hindi natuloy sa kasalan ang tambalang Rico-Claudine at Angel-Miko sa kadahilanang¬† sina Miko at Rico ay tinanghal nang mga bangkay bago pa man sila ikasal sa kanilang mga girlfriends ng mga panahong iyon. Currently, si Miko at si Rico ay nasa kani-kanyang mga nitso at pawang mga kalansay na lamang matapos gawing banchetto ng mga uod at kung anu-anong decomposers ang kanilang mga kalamnan. Wala na ang bakas ng kanilang mga hitsura noong buhay pa sila pero don’t worry – lahat ng tao ay hahantong sa ganyang kalagayan. So cheer up. You’ll be part of the same club sooner or later. And by the way, hindi ko nakikita si Miko or si Rico dito. Weird…

3.) Hindi pa naghihiwalay si Angel at Phil.

Mabalik tayo kay KC at Piolo.

Alam mo Janette, madaming issues sa buhay nya si Piolo ngayon. It’s just not working for him and KC anymore. Kailangan nya ng time at ng space. It’s not KC, it’s Piolo. Hindi mo rin naman masisisi si Piolo if he’s just not ready for a relationship right now. KC wants more than what he’s prepared to give. Masisisi mo rin ba si Piolo if he thinks that they’re just meant to be great friends?

May mga sumulpot na mga balita na si Piolo daw ay beki. Well, no comment ako diyan. Sabihin na lang natin na alam ko ang kanyang deepest, darkest secret at sa aming dalawa na lang yun.

Janette my Child, based sa records mo, sinundan mo ang issue ng hiwalayang Piolo-KC ng halos kalahating buwan. Tinutukan mo ito sa tv, sa radyo at maging sa Internet for a combined total of 14 days, 17 hours, 25 minutes at 32 seconds. Oo, tumaas ang ratings ng mga tv stations at radio stations at naging trending sa internet ang Piolo-KC topics pero ano ang napala mo dito personally? Ngayon depressed ka, hindi ka makatulog, hindi ka makakain at pati trabaho at pamilya mo apektado na ikamo. Daig mo pa yung mga taong involved sa issue kung makapag-react.

As a God, inuutusan kitang wag manood ng tv lalung-lalo na yang mga showbiz talk shows na yan. FOREVER. Hindi ko ginawang ganun ka-boring ang buhay para pagdiskitahan mo ang buhay ng ibang tao for entertainment. Ang pagdiskitahan mo ay ang buhay mo. Humanap ka ng hobby or interest na kapaki-pakinabang instead na maki-tsismis tungkol sa buhay ng mga artistang yan na walang kamuwang-muwang ni katiting na nabubuhay ka pala.

Kung mas pipiliin mong maging pasaway at hindi sumunod sa aking kautusan, bubuhayin ko ulit ang nanay mo galing sa hukay para mabuo ulit ang pamilya mo. Tapos papatayin ko sya ulit sa sakit sa puso para paglamayan nyo ulit. Gusto mo ba yun?

Ito ang salita ng Diyos.

Your Alpha and Omega,

God

Advertisements

Tagged: ,

Mga Papuri at Paninirang-puri

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Janette at Itanong Mo Kay God.

meta

%d bloggers like this: